Gov’t hospitals code white alert sa bagyong Pablo

bagyong-pablo

NASA code white alert na ang lahat ng mga government hospital at mga tanggapan nito sa mga lugar na dadaanan ng bagyong Pablo.

Ayon kay Dr. Carmencita Banatin, pinuno ng health emergency and management services, ito ay upang maging handa ang lahat ng kanilang mga tauhan sakaling may maging epekto ang bagyo.

Ang code white alert ay nangangahulugan ng extreme readiness at mayroong 24 na oras na operation center na nagmo-monitor ng sitwasyon.

Sinabi pa ni Banatin na nakahanda na naman ang lahat ng mga kakailanganing gamot at mga medical equipment sa kanilang mga regional office at provincial office upang madaling madala sa mga kababayan nating mangangailangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply