‘Grand Salubong’ para sa OFWs ikinasa ng OWWA

OFW

IKINASA ngayong umaga ng Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) ang “Grand Salubong, Pamaskong Handog” para sa mga papauwing Overseas Filipino workers (OFW).

Ayon kay OWWA Administrator Carmelita Dimzon, inilatag na nila ang red carpet sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 at isang banda ng musiko ang magbibigay aliw sa mga sasalubong sa mga parating na Pinoy worker.

Sa buong buwan ng Disyembre gagawin ito ng OWWA, at makatatanggap ng looth bag at souvenir ang bawat OFW na uuwi sa bansa simula ngayong araw.

Bukod sa looth bag, magkakaroon din ng raffle ang OWWA kung saan maaaring manalo ang masuwerteng OFW ng bagong flat screen TV.

Nakatakdang magkaroon ng “presidential salubong” na pangungunahan ni Pangulong Noynoy Aquino pero wala pang tiyak na petsa para dito.

Si Pangulong Aquino ang bubunot ng mapalad na OFW na mananalo ng bagong kotse o bagong lupa’t bahay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply