GRO tinarakan ng gunting ng kabaro, sugatan

SANHI ng agawan sa maatik na kostumer, sinaksak ng isang Guest Relation Officer (GRO) ang kanyang kasamahan sa trabaho sa Ilokos Sur kaninang madaling araw (Disyembre 7).

Itinakbo naman agad sa Gabriela Silang General Hospital sanhi ng tinamong malalim na saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib ang biktmang si Manotas Espetos, 34-anyos, tubong Lucena, Quezon.

Hinahanting na ngayon ng Vigan City PNP para panagutin sa krimen ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Mary-Ann, na isa ring GRO.

Naganap ang pananaksak dakong alas 1 ng madaling araw sa loob mismo ng kanilang kuwarto sa Alibin Boarding house na nasa Barangay IV Vigan City.

Bago ito, nagtalo ang dalawang GRO dahil inaagaw ng biktima ang isang mayaman na kostumer ni Mary Anne na itinanggi naman ni Espetos.

Sa gitna ng bangayan, dinampot ng suspect ang gunting na nasa mesa at iktinarak sa dibdib ng biktima at saka tumakas.

Bagama’t rumesponde ang mga kasapi ng Vigan PNP, bigo silang mahuli ang suspek na agad namang nakapag-impake ng kanyang mga damit.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply