Grupo ng media dumulog sa SC vs libel

NAGTUNGO sa Korte Suprema ang isang grupo ng mamamahayag ngayong araw upang hilingin na ma-decriminalize at ideklarang labag sa Saligang Batas ang kasong libelo.

Sa inihaing amended petition nina UP law professor Atty. Harry Roque, Jr. at Ellen Tordesillas, hiniling nila na ipawalang-bisa sa Kataas-taasang Hukuman ang Article 355 ng RPC o ang probisyon na nagpapataw ng parusa sa libel.

Pinaliwanag sa petition na ang nasabing probisyon ay labag sa karapatan ng bawat isa sa free expression, speech at press.

Nanindigan din ang mga petitioner na naaabuso ng ilang personalidad at ng ilang government officials ang libel provision para gipitin o i-harass ang mga journalist.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply