Grupong Kadamay, tinuligsa si Erap

HINDI kami mga bayaran!’

Ito ang sagot ng militantng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa naging komento ni dating Pangulong Joseph Estrada sa pamamato ng kamatis ng mga kasapi ng Samahan ng Maralitang Nagkakaisa (SAMANA)-Corazon De Jesus, isang lokal na samahan ng Kadamay, sa labas ng bahay nito ng dating pangulo sa Maynila kaninang umaga.

Ayon kay Gloria Arellano, pambansang tagapangulo ng Kadamay, “Ipinakita ng miltanteng tradisyon ng mga protesta sa lansangan at barikadang bayan laban sa demolisyon na hindi bayaran ang aming grupo.”

Matagal na rin umano itong batid ng dating pangulo sapagkat noong EDSA Dos ay matatandaan ni Erap tinaggihan ng lider ng Kadamay na si Carmen “Ka Mameng” Deunida ang alok na milyong halaga ng salapi kapalit ang hindi paglahok ng Kadamay sa panawagan ng pagpapatalsik sa dating pangulo.

Ayon kay Arellano, ang ginagawang pandarahas ng lokal na pamahalaan ng San Juan sa mga lider at maralitang lumalaban sa demolisyon sa Corazon De Jesus ay nag-uumpisa ng pagbayaran ng pamilya Ejercito.

“Hindi makakalimutan ng mga maralita ang ipinakitang pagkaberdugo ng pamilya Ejercito sa mga demolisyong pinagunahan ni Congressman JV Ejercito at Mayo Guia Gomez sa San Juan gaya ng naganap noong Enero 10,” ani Arellano.

“Ito ang nasa likod ng pagkamuhi ng mga maralita sa pamilya Estrada, at ang nagpapatuloy na karahasang inihahasik ng lokal na pamahalaan ng San Juan laban sa mga residente ng Corazon De Jesus, na hindi kailanman matatapatan ng anumang halaga ng salapi,” dagdag pa ng lider.

Noong Nobyembre 29 ay dinakip ng kapulisan at ikinulong ang isang lider ng SAMANA-CDJ na si Maritess Bacolod, habang naglabas din ng warrant of arrest sa kasong civil disobedience para 9 pang lider-maralita sa nasabing komunidad.

Kaninang hapon lamang matapos ang ginawang protesta ng Kadamay sa bahay ni Erap napilitang ilabas ng awtoridad sa San Juan City Police Station ang ikinulong na lider-maralita.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply