Guro patay sa riding-in-tandem sa Batangas

PATAY ang isang guro matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa bayan ng Lian, Batangas, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Namatay noon din ang biktima na kinilala si Apolinarion Madrigal, 55
anyos, residente ng Barangay Bungaan, Lian, Batangas, isang guro sa CMI College sa Nasugbu, Batangas.

Batay sa imbestigasyon ng Lian Police, naglalakad pauwi ng bahay ang
biktima nang lapitan ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Agad na pinagbabaril ng dalawang armadong suspek si Madrigal habang
nagmo-motor sa Barangay Poblacion Tres sa Lian.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na sa anggulong away sa lupa na inuugnay ng kaniyang anak sa posibleng pagpatay sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply