Gwendolyn Garcia hindi ginigipit – Belmonte

belmonte

NANINDIGAN si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na hindi ginigipit ng Liberal Party ang sinuspending governor ng Cebu na si Gwendolyn Garcia.

Ang harassment ay pinalulutang lamang aniya upang mahaluan ng politika ang isang simpleng ” administrative case.”

Naunang binatikos ng United Nationalist Alliance (UNA) na pinamumunuan ni  Vice President Jejomar Binay ang kautusang suspendehin  si Garcia, sa pagsasabing inaabuso ng  LP ang kapangyarihan bilang isang ruling party  kaalinsabay ng panggigipit sa gobernadora.

Sa halip ay umapelas si Belmonte sa UNA at iba pang nakikisawasaw sa isyung ito na hayaan sanang gumulong ang hustisya upang maresolba ang isyu dahil nakabinbin aniya hanggang ngayon ang petition for review with prayer ni Garcia para sa hinihiling nitong temporary restraining order sa Court of Appeals.

“I don’t think we in Congress are in any way involved there and despite the fact that I’m friends with Cebu Representative Pablo John Garcia (the younger brother of the suspended governor), I myself just want to let the course of justice do its job,” ani Belmonte.

“The case is pending with the CA, I’m sure the CA will be mindful of the fact that the attention is there and will speed up its deliberations. I think that there is no need for all that tension,” sinabi pa ni Belmonte.

Dinepensahan din ng speaker si Pangulong Aquino  na aniya’y  “trying to enforce a decision. It is no longer in his hands but in those of the authorities.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply