Habang binabayo ni ‘Quinta’: Eastern Samar nilindol

NILINDOL ng may magnitude 3.2 ang ilang bahagi ng Eastern Samar habang nananalasa ang bagyong si Quinta kaninang hatinggabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol kaninang alas-12:40 ng madaling araw. Natagpuan ang epicenter ng lindol sa layong (11.05°N, 126.63°E) 100 kilometro sa hilagang silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

May lalim itong 40 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Unang napaulat na ang Eastern Samar din ang tinumbok ng bagyong Quinta makaraang tumama ang mata ng sama ng panahon sa Homonhon Island sa nabanggit na probinsya.

Kinumpirma ng Department of Science and Technology (DOST) na walang kaugnayan ang lindol sa naturang bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply