Hamon ng mga beki dinedma ni PNoy

abigail-valte

BINALEWALA lamang ng Malakanyang ang hamon ng mga bading, lesbian, bisexual at mga transgender na sumailalim sa voluntary HIV-AIDS test si Pangulong Noynoy Aquino pati na ang lahat ng miyembro ng kanyang gabinete.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi pa niya nakakausap si Pangulong Aquino tungkol sa kahilingan ng Dangal (PRIDE) National Network at Alyansa ng 23 LGBT groups na sumailalim ito sa HIV-AIDS test.

Gayunman, nanindigan si Valte na sapat na ang AIDS awareness campaign ng gobyerno para matanggal ang sinasabing ‘stigma’ dito.

Sinabi pa nito na patuloy naman ang kampanya ng Department of Health (DOH) para mabigyan ng impormasyon ang publiko hinggil sa nakamamatay na sakit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply