Hamon ni Sandra Cam kay Mar: Jueteng, sugpuin

sandra-cam

HINAMON ni dating whistleblower Sandra Cam si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na sugpuin ang jueteng sa bansa.

Umaapela si Cam kay Roxas na huwag lamang tumutok sa Pangasinan sa isyu ng jueteng kundi maging sa iba’t ibang panig ng bansa na talamak ang operasyon ng jueteng.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Cam na bigo si dating DILG Sec. Jose Robredo na masugpo ang jueteng sa bansa dahil inamin nito na maraming masasagasaang malalaking tao na nasasangkot sa iligal na sugal..

Samantala, hinamon din ni Cam si Bugallon Mayor Rodrigo Orduña at Brgy. Captain Fernando “Boy Bata” Alimagno na ilabas lahat ang mga pangalan ng mga sangkot sa operasyon ng jueteng.

Una nang idinawit sa isyu nina Orduña at “Boy Bata” si Pangasinan Gov. Amado Espino na kasalukuyang nahaharap sa kasong plunder.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply