Hamon sa bagong Cavite PD at Right of Reply vs FOI bill

burdado- jun briones

TANGA lang ang maniniwala sa pautot nina E. Samar Rep. Ben Evardone na kailangan umano ang Right of Reply (ROR) para matiyak na hindi maaabuso ang Freedom Of Information (FOI) kapag maisabatas na ito.

Ang ROR, parekoy, ang magbibigay karapatan sa bawat opisyal ng pamahalaan na mailathala ang kanilang kasagutan sa alinmang medium na nag-expose nito.

Katarantaduhan ‘yan, parekoy, dahil . . .

1) Hindi kailangang manduhan dahil may kanya-kanyang editorial policy ang bawat radyo, telebisyon at pahayagan kung paano ilalathala ang kasagutan sa bawat isyu upang maipanatili ang kredibilidad nito na siyang rason kung bakit sila tinatangkilik.

2) Hindi ito maaaring ikabit sa FOI dahil ang ROR ay ukol sa paglalathala at mayroon nang Libel Law ukol dito.

Samantalang ang FOI ay ukol sa pagbibigay sa mama-mayan ng karapatan na magkaroon ng access sa bawat dokumento ng transaksyon ng ating gobyerno.

Kung paano at saan gagamitin ng taumbayan ang bawat dokumento na kanilang nasilip ay panibagong usapin ‘yun.

Kung hindi tanga o nagtatanga-tangahan si  Evardone ay alam niya na hindi sakop ng bawat medium kung paano magtsikahan ang mga tao sa bawat maanomalyang dokumento na kanilang nakita!

Rep. Evardone, huwag ninyong isangkalan ang media sa takot na madalirot ang mga pangungurakot! Pwe kayo!

-o0o-

ILANG araw pa lamang sa Cavite si S/Supt. Alexander de Guzman Rafael bilang kapalit ni dating PD John Bulalacao ay nahaharap na ito sa isang hamon ukol sa iligal na sugal.

Naglipana kasi sa Cavite City, Rosario, Noveleta at Kawit ang iligal na sugal kung saan isang Danny Itlog ang namamahala sa koleksyon at patong upang hindi ito matigil.

Paalala lang, Col. Rafael, na may direktiba si RD Gen. Melad na ipatigil ang lahat ng sugal.

Matikas lang umano itong si “Itlog” kaya namamayagpag pa rin ang sugal sa nasabing mga lugar.

Ang tanong, kanino ka papanig? Kay RD Melad o kay Danny Itlog? Isip-isip!!!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply