Hapones na sangkot sa panunuhol kay ex-PAGCOR chair Genuino inabswelto

INABSUWELTO ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang milyonaryong Hapones na naunang naugnay sa sinasabing panunuhol kay dating PAGCOR Chair Efraim Genuino.

Ginawa ni PAGCOR Vice President for Legal Affairs Jay Santiago ang paglilinis sa pangalan ng Japanese casino mogul na si Kazuo Okada sa pagdinig ng House Committee on Good Government.

Bagama’t may mga pahiwatig na posibleng may kulay o hidden agenda ang pagdawit kay Okada ay minarapat ng PAGCOR  executives na absweltuhin ang Hapones  sa anumang maling gawain kaugnay sa pagnanais niyang makapag-operate ng casino sa Entertainment City project.

Sa kanyang pagharap sa pagdinig ng komite, sinabi ni Santiago na nang ibunyag ni (Pagcor) whistleblower Manuel Camacho ang isyu noong 2011 ay hindi niya nabanggit ang tangkang panunuhol ni Okada kina Genuino at dating Pagcor consultant Rodolfo Soriano kapalit ng license to operate ng casino.

Wala rin aniyang katibayan na nilabag ni Okada ang Anti-Dummy Law dahil ang tanging ebidensiya na susuporta sa mga alegasyon nito ay pawang litrato lamang na nakuha mula sa internet.

Ayon kay Santiago, napag-alaman niya lamang ang alegasyon ng suhulan sa pagitan diumano nina Okada, Genuino at Soriano ay sa isinagawang congressional hearing.

Matatandaan na sinabi ni Camacho sa pagdinig sa Senado ang $5 milyong panunuhol diumano ng Tiger Corporation ni Okada kina Genuino at Soriano kapalit ng provisional license.

Inakusahan pa ni Camacho, dating director ng Eagles 1 at 2, at may-ari ng lupang planong pagtayuan ng casino ng Tiger corporation, si Okada ng paglabag sa anti-dummy law dahil sa pag-aari umano ng nasabing bilyonaryo ang Eagle at Tiger Corporations.

Subalit, sa kabila ng pag-amin ni Santiago na ang Eagle at Tiger Corporations ay may parehong may-ari at board of directors, ay hindi sapat na basehan ito para bawiin ang provisional license ni Okada dahil maari pa naman itong baguhin.

“All Eagle Corporation has to do to address the issue is to buy out Okada’s shares. Or, they simply have to prove that Okada’s shares in Eagle are not more than the 40 percent limit,” paliwanag ni Santiago.

Sa usapin naman ng panunuhol, sinabi ni Santiago na walang nabanggit si Camacho sa kanya nang ma-interview niya ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply