Harangan man ng sibat ang Pinoy sports fans

trending ngayon

ANG daming sporting events.

Sa first half ng first leg ng AFF Suzuki Cup semifinals sa Rizal Memorial Stadium noong Sabado, naging maingat sa kanilang laro ang Philippine Azkals laban sa dumayong Singapore Lions.

Naglabas na lang ang Azkals ng ngipin sa second half nang naging agresibo si Patrick Reichelt at ang pumalit dito na si Chieffy Caligdong (sa 77th minute) pero hindi pa rin nila nalapa ang Lions.

Scoreless draw ang naging resulta ng laro at ang Azkals naman ang darayo ngayong Miyerkules sa Jalan Besar Stadium sa Singapore para sa second leg.

Doon na kaya lalapain ng Azkals ang Lions? Sana, sana.

***

Sports fans talaga ang Pinoy noon pa man.

Harangan man tayo ng sibat, susugod pa rin tayo para mapanood ang laban ng Azkals o ni Manny Pacquiao.

Kapag nanalo ang ating mga idolo, parang tayo na rin ang naka-goal o naka-knock-out at kapag natalo naman, mas nasasaktan pa tayo.

***

Magkakaroon ng Philippine High School for Sports o PHSS.

Ito ang aking tugon sa pagnanais ng publiko, stakeholders, at mga atleta na magkaroon ng malakas na pambansang programa sa sports na nakatutok sa mga komunidad para makasabay ang mga manlalarong Pinoy sa global arena.

Laman ito ng aking inakdang House Bill No. 3825 kung saan titiyakin ng PHSS na mabibigyan ng world-class training ang kanilang mga student-athlete at pati na rin ang kanilang kapakanan.

Nahuhuli na nga tayo dahil hindi naman talaga ito bagong konsepto.

Ang mga nangungunang bansa pagdating sa sports ay mayroong sariling specialized schools para sa kanilang student-athletes.

Napapanahon na para bigyan ng de-kalidad na pagsasanay ang ating mga atleta.

Mas mainam kung ngayon na. Ito ay para lalo pang lumitaw ang kanilang tunay na galing.

Nasa dugo naman ng mga atletang Pinoy ang pagiging kampeon na makakasungkit ng pinakaaasam na Olympic gold.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply