HARI at ang Maestro

maestro-ryan-cayabyab

ANGKOP na angkop ngayon ang tema ng taunang Christmas party ng Hyundai Asia Resources Inc. (HARI) sa kanilang hinandog para sa mga miyembro ng motoring media noong Miyerkules sa Sofitel Philippine Plaza. May pamagat na “Sharing The Filipino Brilliance”, kami ay hinandugan ng Christmas carols ng nag-iisang Maestro ng musika na si Ginoong Ryan Cayabyab kasama ang 100 Voice Choir na kinabibilangan ng UP Chorale, UE Chorale, UST Chorale, at Ateneo de Manila Universiy Chorale na puro mahuhusay sa pag awit. Ito na ata ang masasabi ko na pinakamagandang Christmas party ng car manufacturer para sa taong ito.

Naghandog rin ng kanilang mga awitin sina Ebe Dancel, Nicole Asensio ng bandang General Luna, at si Sponge Cola lead vocalist Yael Yuzon. Ang gabi ng kasiyahan ay pinangunahan ni HARI Chairman Emeritus Richard Lee, Vice-Chairman Edward Go, at ang nag-iisang reyna ng HARI na si Fe Perez-Agudo na tumatayong pangulo at chief executive officer ng kompanya.

Hindi rin nakaligtas sa Maestro ang ibang bisita. Si Ira Panganiban ng Power Wheels magazine ay napaakyat sa entablado upang kumanta ng Pasko Na Sinta Ko. Santa Claus Is Coming To Town naman ang inawit ni C! magazine editor-in-chief James Deakin. Kumanta rin si Dino Directo ng Manila Standard ngunit hindi niya natapos ang kanyang kanta sa kadahilanang hindi daw talaga siya marunong umawit. Ganunpaman ay masaya naman laha ng dumalo at ultimo ang Maestro ay nasiyahan rin sa tatlong mga malalakas ang loob na umakyat sa entablado.

Makikita rin sa loob ng harbour garden tent ng nasabing hotel ang bagong produkto ng HARI, ang Accent hahtchback na nakatakdang ilunsad sa susunod na taon. Nakahilera rin ang 15 mga obra na nanalo sa Hyundai POPArt contest na sinimulan ng HARI noong Oktubre. Ito’y naglalayong ipagsama sama ang mga baguhang mga talento sa sining upang maisalarawan sa pamamagitan ng pagpinta ang kagandahan at kultura ng Pilipino. Bukod dito ay may 25 media men na pinalad na manalo ng sari-saring raffle items mula sa HARI. Kabilang na dito ang Samsung 32” LED TV, iPAd Mini, Samsung Galaxy S3, at marami pang iba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply