Hawks lusaw sa Thunder

BUMIDA si Russell Westbrook sa first half habang inako naman ni Kevin Durant ang opensa sa huling dalawang quarters upang gilitan ng Oklahoma City Thunder ang Atlanta Hawks, 100-92 sa nagaganap na regular season ng 2012-13 National Basketball Association.

Umiskor si Durant ng 41 puntos, 18 sa final canto upang ilista ng Thunder ang pang-12 sunod na panalo at manatling nasa tuktok ng Western Conference bitbit ang 21-4 win-loss slate.

Tumapos naman si Westbrook ng 27 points, 21 sa unang dalawang period kasama ang 11 assists para mapaganda ng Oklahoma ang kanilang road win games sa 7-2.

”There’s going to be nights where one has the hot hand and there’s going to be other nights the other does,” wika ni Thunder coach Scott Brooks.

Tanging sina three-time scoring champion Durant at All-Star guard Westbrook ang umiskor ng double-digits para sa Oklahoma subalit nagawa pa rin ng Thunder na dominahin ang Hawks sa buong laro.

Masyadong naging maiinit ang opensa ni Westbrook kaya naman abante agad ang OKC half time, 55-41.

”We double-teamed him, we zoned him,” patungkol ni Hawks coach Larry Drew kay Westbrook. ”He still made shots. You can’t stop him when he’s hot like that.”

Maging si Durant ay nabibigla sa ipinakitang laro ni Westbrook kaya pinabayaan niya muna itong mamayagpag sa first at second period.

”He was aggressive and they were giving him jump shots,” pagmamalaki ni Durant kay Wstbrook. ”We just played off of that. He was very good and it opened up for me in the second half.”

Si Jeff Teague ang nanguna sa opensa para sa Atlanta na may 19 points habang si Josh Smith ay may 17 points at 12 rebounds at Al Horford at Lou Williams ay may tig-13 markers.

Kahit natalo ang Hawks ay nasa top three pa rin sila sa Eastern Conference hawak ang 15-8 panalo-talo karta.

Sa ibang NBA resulta, tinarak ng Los Angeles Clippers ang pang-11 sunod na panalo matapos kaldagin ang New Orleans Hornets, 93-77.

Patuloy naman na namamayagpag sa tuktok ng Eastern Conference ang New York Knicks dahil ginapi nila ang Brooklyn Nets, 100-86.

Sinilat naman ng Sacramento Kings ang Golden State Warriors, 131-127.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply