Hawks nayanig kina James at Wade

NAGSANIB-PUWERSA sina Miami Heat star players LeBron James at Dwyane Wade upang ihawin ang Atlanta Hawks, 101-92 sa kanilang laban kanina para sa regular season ng 2012-13 National Basketball Association.

Sumiklab ng 27 puntos si three-time MVP James habang nagliyab naman ng 26 points si Wade para ilista ng Heat ang kanilang pang 14 na panalo sa 19 na laro.

”We gave LeBron and D-Wade some opportunities to be able to get some layups early on and whenever you play against a team like that or whenever you give a great player opportunities to get layups first, the rim gets that much bigger,” wika ni Josh Smith na siyang nag-top scorer para sa Hawks matapos tumikada ng 22 pts. ”And they started hitting all kinds of shots.”

Sinahugan pa ni James ng seven rebounds at anim na assists upang itarak ang 10-1 win-loss slate sa home.

Hawak ng Heat ang manibela sa halftime, 56-54 at nang mag-umpisang magpakitang gilas sina James at Wade sa third canto ay umayuda na ang Miami upang mangingibaw pa rin sa nasabing quarter, 82-74.

Kasama rin nila James at Wade si sophomore Norris Cole habang tinatakbuhan ang Hawks.

”Cole made me go get it, for sure,” saad ni James. ”He actually took that literally when I told him, ‘Just throw it anywhere.”

Nag-ambag din ang isa sa Big 3s ng Miami na si Chris Bosh ng 14 markers at 10 rebounds. Nagdagdag naman si Cole ng 10 points.

Susunod na makahaharap ng Heat ang Golden State Warriors sa Huwebes, (Miyerkules sa Amerika)..

Samantala, sa ibang NBA resulta, winasiwas ng San Antonio Spurs ang Houston Rockets, 134-126 sa overtime period habang binalatan ng Warriors ang Charlotte Bobcats, 104-96.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply