Heads up lang

trending-ngayon-sonny-angara

INIULAT ng UN Office for Disaster Risk Reduction (UNISDR) na kabilang ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na pinakamalalang tinamaan ng mga sakuna ngayong taon.

Ayon sa UNISDR, pangalawa ang Pilipinas sa mayroong pinakamaraming bilang ng sakuna sa unang 10 buwan ng kasalukuyang taon. Naitala sa bansa ang 16 na sakuna, kasunod ng naitalang 18 na kalamidad sa China.

Sakop lamang ng UNISDR report ang mga sakuna at kalamidad simula Enero hanggang Oktubre at hindi kabilang dito ang Bagyong Pablo.

Matatandaan na ang paghagupit ng Bagyong Pablo sa Mindanao noong ika-4 ng Disyembre ay nagresulta sa pagkamatay ng mahigit 1,000 katao at pagkawala ng mahigit 800 iba pa.

Maliban sa Pilipinas at China, kabilang din sa pinakamalalang tinamaan ng mga sakuna at kalamidad ang Pakistan, North Korea, at Sri Lanka.

Nilalaman ng ulat ng UNISDR ang pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit na probinsiya noong nakaraang Agosto na kumitil sa 116 katao at ang paglindol sa Visayas noong nakaraang Pebrero na kumitil naman sa 113 katao.

Aabot sa 6.2 milyong Filipino ang naapektuhan ng mga pagbaha, paglindol, at iba pang sakuna at kalamidad, ang nakasaad sa UNISDR report.

Hindi ninanais ng UNISDR na bigyan tayo ng masasamang alalahanin at pangitain sa pagsalubong natin sa Bagong Taon, ang tanging ninanais ng ahensiya ay mabigyan tayo ng gabay para mas maging handa tayo sa pagtugon sa mga darating na sakuna at kalamidad.

***

Ayon sa pinuno ng UNISDR Asia Pacific na si Jerry Velasquez, ang mga pagbaha ay malaking suliranin sa ngayon ng maraming siyudad sa Asya (tulad ng nangyari sa Beijing at Metro Manila ngayong taon).

Sinabi ni Velasquez na para matiyak ang kaligtasan ng buhay ng mga tao at ang pagpapatuloy ng pag-unlad ng mga ekonomiya, kailangang magkaroon ng mas masinop at sistematikong pagpaplano sa mga siyudad.

Hindi na uubra ang bara-bara at inaapurang pagpaplano sa mga siyudad, lalo’t magiging mas malupit ang pagdating ng mga sakuna at kalamidad sa hinaharap.

***

Para sa mga suhestiyon, reaksiyon, at komento, pumunta sa aking website na www.sonnyangara.com, aking FB account na www.facebook.com/sonnyangara, at aking Twitter account na @sonnyangara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply