Health workers lumusob sa DOH

DOH

NILUSOB ng mga health worker ng National Orthopedic Center ang tanggapan ng Department of Health (DOH) upang iprotesta ang kawalang aksyon ng kagawaran para ibalik at mabayaran ang kanilang hazard pay.

Bilang bahagi naman ng kanilang protesta ay nagsagawa ng maikling programa ang grupo at nag-noise barrage.

Bukod dito, nagsabit ng mga itim na parol sa gate ng kagawaran ang grupo.

Hinaing ng grupo sa kanilang protesta na ibigay na sa kanila ang kanilang hazard pay na 25% ng kanilang basic salary o katumbas na P2,000 hanggang P8,000 kada buwan matapos ilipat ang pangangasiwa nito sa Department of Budget and Management (DBM).

Matatandaan na una nang itinanggi ni Health Secretary Enrique Ona ang akusayon ng mga health worker.

Gayunman, sinabi ni Ona na bumuo na siya ng komite upang pag-aralan ang batas para mabayaran na ang hazard pay ng mga karapat-dapat na health workers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply