Heat balik sa win column

PINUTOL ng Miami Heat ang two-game slide nila matapos tustahin ang New Orleans Hornets, 106-90 sa nagaganap na National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Umiskor sina Dwyane Wade at LeBron James ng 26 at 24 upang pagandahin ang team standing ng Miami sa 13-5 win-loss slate.

Sa first quarter ay lumamang ang Hornets 32-31 subalit pagdating ng second quarter ay nag-init na ang opensa ng Heat at naiwanan na ang una, 47-64.

Sinahugan pa ni three-time MVP James ng seven assists at five boards upang ilista ang 8-1 bentahe sa home.

Bumakas din si Chris Bosh ng 13 points habang sina Ray Allen at Shane Battier ay nagdagdag ng tig 11 points.

Sina Ryan Anderson at Robin Lopez ang namuno sa opensa ng Hornets matapos tumikada ng 24 at 20 markers ayon sa pagkakasunod.

Samantala, kulang na lang ng Limang puntos si Allen upang maging pang 22nd player na makakuha ng 23,177 career points.

Sa ibang NBA resulta, sinuwag ng Chicago Bulls ang new York Knicks, 93-85.

Kinaldag naman ng Boston Celtics ang Philadelphia 76ers, 92-79 habang tinalbos ng San Antonio Spurs ang Charlotte Bobcats, 132-102.

Sa laban ng Atlanta Hawks at Memphis Grizzlies ay nadagit ng una ang huli, 93-83.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply