Heat nabingwit ng Wizards

MALAKING isda ang nabingwit ng Washington Wizards kahapon matapos nilang talunin ang defending champion Miami Heat, 105-101 kanina sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Sa first half pa lang ay ramdam ng Wizards na mas mainit sila sa Heat dahil abante ito ng anim na puntos, 60-54.

Pinamunuan ni bench player Jordan Crawford ang opensa ng Wizards matapos tumikada ng 22 puntos, anim na assists at tatlong rebounds upang ilista ang ikalawang panalo sa 15 na laro.

Ganunpaman, ang Washington pa rin ang may pinakamasamang karta sa team standings subalit ayon kay birthday boy Martell Webster ay masaya pa rin sila dahil maganda ang inilaro nila at Heat pa ang tinalo nila.

Nakabuslo rin si Kevin Seraphin ng 16 puntos habang si A.J Price ay nagdagdag ng 14 points at apat na assists para makadalawang panalo ang washington sa home.

Nag-ambag din si Webster ng 13 markers.

May pagkakataon sanang makahirit ng overtime period ang Heat subalit sumablay si three-time NBA MVP LeBron James sa three-pointer may 3.9 segundo na lang ang nalalabing oras.

Kumana si James ng triple-double, (26 pts., 13 boards at 11 assists) subalit hindi sumapat para makuha ang 13 panalo.

May barahang 12-4 win-loss ang Heat at nakatakda nilang hablutin ang pang 13 panalo laban sa New York Heat Biyernes, (Manila time).

Bumakas din sina Dwyane Wade at Chris Bosh ng 24 pts. at 20 points ayon sa pagkakasunod.

Sa ibang NBA resulta, nagwagi ang Minnesota Timberwolves kontra Ohiladelphis 76ers, 105-88.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply