Hepe ng Taguig police inakusahang tulak

ITINURO ng isang suspendidong pulis ang hepe ng Taguig Police na responsable sa pagbebenta ng recycled na shabu o mga ebidensyang droga na nasasamsam sa mga raid na isinasagawa sa lungsod ng Taguig.

Ayon kay PO3 Alexander Saez, nuong dati siyang imbestigador ng Anti-Illegal Drugs Special Operations TF, iniutos ni Sr.Supt. Tomas Apolinario na paigtingin ang anti-drugs campaign sa lungsod noong isang taon . Ang mga nakukumpiska na mga droga ay pinabebenta umano ni Apolinario sa kanyang mga tauhan sa mga kilalang pusher sa lungsod.

Umabot pa sila umano ng National bilibid prisons sa pakikipagtransaksyon sa mga nakakulong na Chinese Drug Lord  kung saan simula  Mayo hanggang Oktubre 2011 ay kumita umano ang kanilang operasyon ng limang milyong piso.

Pinagkibit-balikat lamang ni Apolinario ang nasabing akusasyon ni Saez, at nagsabing desperado lamang ang pulis dahil isang taon na nasuspindi ito dahil sa droga at pangingikil at pakiramdam nito ay pinabayaan na siya ng mga kasamahang pulis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply