Hepe ng University Belt, sinibak sa pagkamatay ng 2 FEU stude

FEU

AGAD na ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Leonardo Espina ang pag-relieve sa hepe ng university belt.

Ginawa ni Espina ang kautusan kasunod nang naganap na pagkakabaril at pagkamatay ng dalawa at ikinasugat ng isa pang estudyante ng Far Eastern University kagabi sa Sampaloc, Maynila.

Nabatid na si P/Sr.Insp. Antonio Naag ay hepe ng pulisya ng University Belt na nakasasakop ng nasabing unibersidad na pinangyarihan ng krimen.

Matatandaan na dalawang estudyante ng FEU ang namatay habang isa pa ang kasalukuyang inoobserbahan ngayon sa Mary Chiles Hospital matapos na pagbabarilin ng di nakilalang suspek habang patungo ang mga biktima sa kanilang school gymnasium.

Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo sa pamamaril sa mga biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply