Higit 100 flights kanselado kay ‘Pablo’

bagyong-Pablo-dec-4

MAHIGIT 100 flights na ang kinansela ngayong araw sa paghagupit ng bagyong Pablo na tumama na sa kalupaan sa Davao Oriental.

Kinansela ng Cebu Pacific ang kabuuang 86 flights. Umaabot sa 26 flights patungo at galing sa Caticlan ang kanselado, 14 sa Cagayan de Oro City, 18 sa Davao City, 10 sa Butuan City, anim sa General Santos City, apat sa Dumaguete City at tig-dalawang flights sa Cotabato City, Dipolog, Pagadian at Surigao.

Umaasa ang Cebu Pacific na mauunawaan ng mga pasahero ang sitwasyon makalipas ang sama ng pahanon.

Kasunod nito, inabisuhan ng nasabing airline company ang mga apektadong pasahero na tumawag sa kanilang hotline para sa detalye ng
bago nilang iskedyul.

Hindi lamang domestic flights ang apektado sa pananalasa ng bagyong Pablo kungdi maging ang ilang mga international flights.

Sa inilabas na advisory ng Philippine Airlines (PAL) at AirPhil Express, nasa 37 ang kanseladong biyahe nila sa Mindanao at Visayas.

Ayon sa PAL, kinansela nila ang dalawang flights patungong Davao.

Ang sister-company ng PAL na AirPhil Express ay pansamantalang kinansela ang 35 flights kabilang na ang biyahe patungong Hong Kong
mula Cebu.

Apektado rin ang 10 flights mula Caticlan-Manila at vice versa, tatlong flights sa Cagayan de Oro, dalawang biyahe sa Dumaguete at
tig-isang flight sa Ozamiz, Butuan, Cotabato, Dipolog at Surigao.

Kanselado rin ang mga biyahe ng AirPhil mula Cebu patungong Butuan, Cagayan de Oro, Davao, General Santos, Iloilo, Kalibo, Legazpi, Ozamiz, Pagadian, Puerto Princesa, Surigao, Tacloban at Zamboanga.

Inaabisuhan naman ng naturang airline companies ang mga pasahero na tumawag sa kani-kanilang mga hotlines para sa reservations at
rebooking assistance.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply