Higit 200 kilo ng iligal na paputok nasabat sa Laguna

NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit 200 kilo ng iligal na paputok na nagkakahalaga ng mahigit P1 milyon sa magkakasunod na raid sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna.

Bitbit ang search warrant ay ni-raid ng mga awtoridad ang tatlong bahay sa naturang lugar kung saan nadiskubreng nakaimbak ang mga iligal na paputok.

Tatlo kata rin ang nadakip sa naturang raid.

Ayon sa pulisya, delikado ang mga nasabat na paputok dahil maaari itong pagmulan ng sunog na makapipinsala sa ari-arian at maging sa buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply