Hindi ako nagpabaya sa ensayo – Pacquiao

PINABULAANAN ni eight-division world champion Manny Pacquiao na kinulang siya sa ensayo kaya natalo siya kay Mexican boxer Juan Manuel Marquez.

Ayon kay Pacman, hindi siya nagpabaya sa kanyang training dahil kung siya ay kinapos ay nawalan na ito ng lakas at stamina habang nasa gitna pa lamang ng bakbakan.

Sinabi pa ni Pacman, sa katunayan nasa aggressive mode pa siya pagpasok ng Round 6 ngunit sa isang iglap ay nawala ang pagka-agresibo nito at bumagsak sa “lucky punch” na pinakawalan ni Marquez.

Kung maaalala, abante pa sa scorecard ng mga boxing judge si Manny na nasa 47-46, hanggang sa mangyayari ang hindi inaasahang ilang segundo bago magtapos ang sixth round.

Kung pagbabatayan din ang mga statistics sa pinakawalang mga suntok ng dalawang magkaribal batay sa CompuBox ay lamang na lamang si Pacman.

Sa jabs ay nagpakawala si Manny ng 108 at ang tumama ay nasa 26 na katumbas ng 24 na porsyento.

Si Marquez ay meron 98 jabs na 11 lamang ang epektibong tumama sa Pinoy superstar o katumbas ng 11 percent.

Sa larangan naman ng power punches ay nagtala si Manny ng umaabot sa 148 at ang tumama sa target ay 94 (37%), habang si El Dinamita ay may record na 150 subalit ang tumama lamang kay Pacman ay nasa 27 porsyento.

Samantala, hindi rin makapaniwala ang Hall of Fame trainer na si Nacho Beristain, ang lifetime coach ni four-division world champion Marquez, sa ipinakitang performance ng kanyang alaga.

Aminado si Beristain na hindi naman power puncher si Marquez at hindi niya inakala ang knockout power ng Mexican boxer na gumulantang kay Pacquiao at maging sa buong mundo.

“I never thought that Juan could knockout Pacquiao. Juan is not a [power puncher]. He is a very precise fighter, and hits hard but not violently. He gets you with three shots in a row at the tip of the chin and he hurts you, but not like [what happened with the punch that hit Pacquiao]. What happened was a phenomenon,” wika ni Nacho.

Sinabi ni Beristain, masaya siyang napabagsak nila sa lona si Pacquiao dahil nagkatotoo ang matagal na nilang ipinaglalaban na nanalo si Marquez sa tatlong naunang laban sa Filipino boxing icon.

“I’m happy because I had a desire to see Pacquiao on canvass, because the truth is we already won three times. It’s like I’m dreaming right now.”

Nabanggit na rin ni ng Mexican warrior na maraming beses nilang prinaktis sa kanyang training ang kanyang tinaguriang “perfect punch.”

Sa panig naman ni trainer Freddie Roach, hindi magandang ideya ang nilulutong Part V dahil para sa kanya gusto muna niyang bumalik sa gym para i-assess si Pacman.

Ngayon pa lamang ay usap-usapan na posibleng piliin bilang “fight of the year,” “knockout of the year” at “best round of the year” ng mga boxing writers ang makaysaysayang laban kahapon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply