Hindi matuwid na daan ‘yan, Secretary Roxas

Allan-Encarnacion-mano_mano-web-copy

SANA nga ay hindi produkto ng favoritism ang napipintong paghirang kay General Allan Purisima bilang hepe ng pambansang pulisya.

Alam ni Noynoy na sobrang daming sablay ng tambalang Nicanor Bartolome at Purisima noong sila pa ang Chief PNP at  NCRPO Chief.

Nagtala ng pinakamataas na crime rate ang kanilang tandem kaya hindi natin alam kung saan humugot ng lakas ng loob ang Pangulo na gawin namang hepe ng PNP si Purisima at sa kabilang banda naman ay italagang USEC for police matters si Nicanor.

Susmaryosep, mukhang magugunaw na talaga ang mundo!

***

Hindi dapat biguin ni DILG Secretary Mar Roxas ang publiko na umaasa sa maayos niyang pamumuno.

Bago dumating si Roxas sa DILG, nagkaroon ng bidding para sa 68 units ng firetruck para sa BFP na nagkakahalaga ng mahigit P300 milyon.

Winning bidder ang Kolonwell sa presyong P301 milyon na makatitipid ang gobyerno ng mahigit P118 million.

Pero dahil sa pulitika sa DILG noong wala pa si Roxas at pambabalahura ng BFP leadership sa sistema, naipit ang Notice of Award.

Nang dumating si Roxas, akala ng winning bidder ay magkakaroon na ng linaw dahil parehas naman ang kanilang naging panalo.

Ang problema, mas lalong napasama dahil ang balita nila ipapa-bid ulit ni Roxas ang firetruck at hindi ibibigay ang award sa lehitimong winner.

Hindi sana totoo ang balita natin na nabulungan na naman si Roxas ng mga KKKK ng Pangulo kaya wala siyang magawa kundi kanselahin ang pagkapanalo ng Kolonwell.

Secretary Roxas, mukhang hindi ganyan ang matuwid na daan.

***

Isang lady news anchor ang kamuntik nang magahasa ng taxi driver na gumagamit ng airfreshener na may pampatulog.

Anchor sa malaking kompanya ng television ang sinasabi nating anchor pero ayaw lang lumantad para magreklamo.

Mabuti na lamang at binuksan niya agad ang bintana ng taxi kaya siya nagbalik sa ulirat. Attention MMDA enforcers at PNP highway patrol, kailangan n’yong magdoble-alerto lalo na ngayong Christmas season dahil sangkatutak ang mga modus sa taxi.

Ingat din ang mga pasahero baka madale kayo ng ganitong modus.

allanpunglo@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply