Hindi pwedeng galawin ang mga CPR kapag wala ang taga-FDA – PSD

hilda-online-logo

MULA nang itinalaga si Francia Laboy as CHIEF ng Product Service Division (PSD) ng dating Director Dr. Suzette H. Lazo, halos hindi na umuusad ang pag-release ng Certification of Product Registration (CPR).

Mga na-evaluate at napirmahan ng supervisers, nandoon lang tinambak sa PSD. Kapag tinatanong nila kung nasan ang officer in charge lagi raw nasa meeting, Out of Town, Out of the Country, vacation trip o madalas may sakit. Kaya hindi maasikaso pirmahan ang mga CPR.  Ang nakapagtataka! Bakit ayaw nila ipagawa ang mga papeles sa iba? Wala na bang ibang marunong sa FDA?

Bakit kapag wala ang checker, hinahayaan ni Chief Francia Laboy itambak at hintayin ang pagbabalik ng mga tao nya. Dapat mag-iwan sila ng kapalit na may alam sa trabaho para hindi maparalisa ang mga transaksyon at paglilingkod nila sa taong bayan.

Ayon sa mga nagcocomplaint, ang utos ni Ms. Helena Alcaraz  sa kanyang tauhan.

Habang nasa Germany pa raw sya, “Huwag daw gagalawin yun mga approved CPR hanggat wala sya”.

Ano ginagawa ni PSD Chief Francia Laboy? Paano naman mga companies na naghihintay at naglabas ng malaking puhunan? Itigil ang negosyo habang naka pending ang CPRs dahil madalas nasa ibang bansa at nag aattend ng meeting daw!

Every week pabalik-balik sila sa FDA, ang lalayo pinanggagalingan ng mga tao. Mahalaga  ang oras nasasayang ng FDA, kapag hindi lumalabas ang kanilang CPR, malaking kawalan sa kanilang negosyo.

Sa ganitong mga pangyayari, nanawagan “ANG INYONG LINGKOD” kay DOH Secretary Enrique Ona at FDA Director Kenneth Hartigan Go na sana maayos ang mga problema sa FDA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply