Hirit ni CGMA na mag-Pasko sa bahay, ipinauubaya sa korte

IPINAUUBAYA na ng Palasyo sa korte ang kahilingan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na makapagbakasyon at makapag-Pasko sa kanilang bahay sa Lubao, Pampanga.

Una nang humirit si Arroyo sa Sandiganbayan na pagkalooban ng tatlong linggong Christmas furlough mula December 21, hanggang January 7, upang makapiling ang pamilya ngayong Kapaskuhan.

Sa ngayon, naka-hospital arrest si Ginang Arroyo dahil sa kinakaharap na kasong pandarambong kaugnay sa umano’y pagkakalustay ng pondo ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO).

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi nila panghihimasukan ang hirit ng dating pangulo at hayaan na lamang ito sa korte para desisyunan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply