Holdaper utas sa parak, 1 pa nakatakas

crime-scene-chalk-mark

BUMULAGTA ang isang hinihinalang holdper na riding in-tandem, habang nakatakas naman ang kasama nang makaengkuwentro ang mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 4 kaninang madaling araw sa Sampaloc, Maynila.

Sa report ni SPO2 Glenzor Vallejo, dakong alas 2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa may Algeciras St.  at sa pagitan ng Sobriedad at  J. Fajardo Sts. Sampaloc, Maynila.

Ang suspek na nasawi ay inilarawang nasa edad na 40-45, may taas 5’3-5’4, kalbo, katamtaman ang pangangatawan, makasuot ng kulay itim na t-shirt at kulay violet na sando, may tattoo na “Tojot” sa dibdib at “Real” sa magkabilang hita.

Ayon kay Vallejo, nagsasagawa ng checkpoint sina SPO3 Rogelio Abellera, PO2 Reynaldo Cuevas, at PO1 Dexter Madia sa lugar nang sitahin ang motorsiklong sinasakyan ng dalawa dahil wala silang suot na helmet at walang plaka ang motor na Rusi-150 cc .

Imbes na huminto ang mga holdaper ay mabilis na pinaharurot ng driver ng motor papuntang Algeciras St. dahilan para habulin ng mga pulis.

Nang makorner sa lugar ay mabilis na tumakbo sa madilim na bahagi at ang isa rito ay bumunot ng baril at nagpaputok sa mga awtoridad.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis dahilan para tamaan sa ulo at dibdib ang isa habang mabilis namang nakatakas ang kasama nito.

Dinala ang bangkay ng suspek sa Cruz Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply