Hussein sa BI chief: Ipatupad ang DOJ order

NANAWAGAN ang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) kay Pangulong Aquino na atasan ang punong opisyal ng kawanihan na ipatupad ang kautusan ng Department of Justice na nagbabalik sa immigration officer sa kanyang dating puwesto.

Ayon  kay Atty. Faisal Hussein, hihingi siya ng pagkakakataon na makausap si Pangulong Aquino upang atasan si Immigration Commissioner Ricardo David Jr. na sundin ang utos ni Justice Secretary Leila De Lima na maibalik siya sa kanyang dating puwesto bilang Intelligence chief ng immigration.

Sina De Lima at David ay pawang hinirang ni Pangulong Aquino sa kani-kanilang puwesto.

Sinabi pa ni Hussein hindi niya ipipilit na muling mapasakamay ang dating puwesto at bibigyan ng pagkakataon si acting Intelligence Chief Maria Antonette Bucasas-Mangrobang na tapusin ang trabaho nito.

Ginawa ni Hussein ang pahayag kasunod ng pagkatig ng Civil Service Commission sa kanyang apela na hindi tama ang ginawang paglipat sa opisyal sa tanggapan ni Secretary Leila De Lima.

Batay sa CSC order na may petsang October 25, 2012, dapat ay sa loob lamang ng immigration inilipat ng puwesto si Hussein matapos na sibakin ito sa puwesto si De Lima noong nakalipas na Pebrero.

Sa kautusan naman ni De Lima na may petsang November 22, 2012, inatasan ng kalihim si David na ibalik sa puwesto si  Hussein at tanggalin si Mangrobang.

Gayunpaman, hindi inaksiyuhan ni David ang kautusan ni De Lima.

Ayon pa kay Hussein, pinag-aaralan na ng kanyang abugado ang paghahain ng kasong kasong insubordination at paglabag sa anti-graft law laban kay David kung patuloy nitong susuwayin ang kautusan ng DOJ.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply