Huwag na kayong magpalusot

Allan Encarnacion mano_mano web copy

Ang ending, pupunta rin pala si Noynoy sa mga nasalanta ng bagyo sa Mindanao.

Noong una kasi, puro palusot pa ang Palasyo na hindi na pupunta ang Pangulo dahil makagugulo lang daw sa relief, relief and retrieval operations. Baka raw kasi dumugin siya ng tao kapag dumating siya.

Huwag na kayong magpalusot, hindi matinee idol ang amo n’yo para pagkaguluhan.

Iyon ang usual alibi nila magmula nang mabatikos ang boss nila sa hindi pagpansin sa mga taga-Bulacan na halos tatlong linggong nakalubog sa baha at nang lamunin ng water lily ang karagatan sa Cotabato na nagpagutom sa maraming ma-  ngingisda.

Sabihin n’yo na lang na tanghali na siya palaging nagigising at busy sa “Noynoying” kaya hindi kaagad madalaw ang mga biktima ng kalamidad.

***

Pero kung puro arte si Noynoy, mas maagap sa kanila si DILG Secretary Mar Roxas. Hindi pa man humuhupa ang bagyong Pablo ay naroon na si Mar. Sobrang laki ng panghihinayang natin kay Mar dahil nabiktima siya ng Cory magic na sinamantala naman ng Yellow Boys.

Dahil dito, ang walang kamuwang-muwang na addict sa sigarilyo at magdamagang naglalaro ng Gameboy ay aksidenteng naging Pangulo!

***

Parang nakukulam pa rin ang kahabaan ng Edsa tuwing umaga. Kitang-kita naman ang mga lugar na pinagmumulan ng traffic na kung tawagin ay chokepoint pero talagang hopeless ang MMDA sa pagresolba rito.

Ang notorious na Edsa-Cubao-Kamuning-Timog ang palaging pinagmumulan ng traffic sa QC. Iyong sa San Juan-Mandaluyong naman ay ang Shaw-Crossing ibabaw.

Kahit anong gawin nina Chairman Tolentino ay hindi pa rin nagbubunga nang maayos na daloy ng mga sasakyan dahil talaga sa dami ng mga bus.

Hindi pa natin alam kung ano ang magiging epekto ng total truck ban sa Edsa bagama’t siguradong makababawas sa volume. Pero dapat, totohanin din ng MMDA ang pagwalis sa mga colorum bus dahil 1,500 lang na bus capacity ng EDSA pero sa ngayon, umaabot na sa halos walong libo.

Mahigit 60% ng mga bus sa Edsa ay colorum pero hindi hinuhuli ng MMDA at LTFRB.

Kung walang tongpats ang mga awtoridad d’yan, bakit kaya hindi sila ma-impound?

allanpunglo@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply