Iba pang Miss U candidates naniniwalang si Janine Tugonon ang nagwagi

janine-tugonon-at-NAIA

MASAYANG sinabi ni Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon sa mga reporter sa isinagawang press conference para sa kanyang homecoming na may ilang kandidata ang naniniwala na siya ang tunay na nagwagi.

“Nakakatuwa nga, halos lahat sila nag-hug, sabi nila, ‘It is you, we know it’s you, and you know it’s you,'” ayon kay Tugonon.

Sa report, hindi na matandaan ni Janine kung sinu-sino ang mga kandidata na naniniwalang siya ang nanalo sa Miss U ngunit inihalimbawa ng dalaga ang roommate niya na si Miss Indonesia Maria Selena.

“Si Indonesia, roommates kami eh, and we became very close, and right after the crowning, umiiyak siya, siya pa ‘yung umiyak para sa ‘kin. Umiyak siya kasi nakapasok nga ako, nagulat din siya sa results, pero sabi niya okay lang naman daw.”

Satisfied naman aniya siya sa kanyang naiuwing first runner-up crown.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply