ICC application form hindi na kailangan

KLINARO na ng Department of Trade & Industry ang isyu tungkol sa certification ng Import Commodity Clearance (ICC) sticker.

Marahil ay kaunti pa lang ang nakakalam na mula pa noong Nobyembre 5 ay nag-isyu na ng pahayag ang DTI na hindi na kailangan ng helmet owner na mag fill-up pa ng application form upang madikitan ng ICC sticker ang kanyang helmet.

Ayon kay DTI Calabarzon Regional Director Marilou Quinco-Toledo ay ilalagay na lang sa logbook ang mga importanteng detalye ng aplikante at ng kanyang helmet. Naglabas rin ng guidelines ang nasabing ahensya para sa mga helmet na binili sa ibang bansa.

Ang mga helmet na wala sa certified list ng DTI ngunit may tatak na “E4 (UN-ECE- 22:205)”, “DOT (FMVSS 218)”, “British Standards (BS 6658:1985)”, “Snell Memorial Foundation (M2010 or M2005)”, “Australian Standard 1698-1998”, and “Canadian Standard CSA CAN3-D230-M85” ay maaaring malagyan ng ICC sticker kung ito’y papasa sa physical characteristic requirements ng ahensiya, ayon naman kay DTI regional product standards and enforment officer Noli Manalo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply