IED natagpuan malapit sa presinto sa Cotabato City

NAREKOBER sa tabi ng istasyon ng pulisya ang isang improvised explosive device (IED) sa Cotabato City, Miyerkules ng gabi (Disyembre 26).

Ang eksplosibo na gawa sa 60 millimeter mortar ay natagpuan sa tabi ng Cotabato City Police station 2 sa may Don Rabago Street, Mother Barangay Rosary Heights dakong alas-10:30 kagabi.

Rumesponde naman agad ang elemento ng army’s explosive ordinance disposal team sa lugar at gumamit ng tubig para i-disrupt ang IED.

Sinabi ng pulisya na dalawang istambay ang nakakita sa IED, na nakalagay sa loob ng isang plastic bag na may timer.

Pinapasabog ito sa papamamagitan ng isang cellphone na nagsisilbing triggering device.

Wala pang ideya ang mga imbestigador kung ano ang motibo at kung sino ang nag-iwan ng IED pero may kutob na parte ito ng paghahasik ng kaguluhan sa lungsod.

Sa parehong araw, dakong alas-6:30 ng gabi, sumabog ang isang granada sa Barangay Rosary Heights 4, na ikinasugat ng isang lalaki na nakilalang si Gani Uy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply