IED sumabog sa Tacurong City, 3 sugatan

TATLO katao ang sugatan kabilang ang isang nasa kritikal na kondisyon sa naganap na pagsabog ng isang 60 millimeter mortar sa roundball ng lungsod ng Tacurong.

Kinilala ni Police Senior Supt. Rolen Balquin police provincial director ng Sultan Kudarat ang mga biktima na sina Jessa Dizon 23, Kristina Abaon, 26 at isang Jane Ibande, 26, pawang naninirahan sa lungsod ng Tacurong.

Batay sa imbestigasyon ng awtoridad, dumadaan ang tricycle na sinasakyan ng mga biktima sa roundball nang bigla na lang may sumabog na ikinasugat ng tatlong biktima

Sa pagsisiyasat, isang sasakyan na nakaparada sa lugar ang umalis at makalipas ang 30 minuto pagkaalis ay saka naganap ang pagsabog.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Tacurong PNP.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply