Ika-8 taon ng kamatayan ni FPJ ginugunita ngayon

FPJ

NGAYONG araw ginugunita ang ika-8 anibersaryo ng araw ng pagkamatay ng hari ngpelikulang Pinoy na si Fernando Poe, Jr.

Sa museleyo ng Da King sa Manila North Cemetery ay nag-alay ng misa para kay FPJ ang kanyang pamilya na kinabibilangan nina Susan Roces, Grace Poe Llamansares at Sheryll Cruz at ito ay pinangunahan ni Caloocan Bishop Deogracias Yniguez.

Dumalo rin sa misa ang may 200 na tagahanga at kaibigan ng yumaong aktor kabilang sina dating Pangulong Joseph Estrada at Manila Mayor Alfredo Lim na nagkamayan pa.

Kapansin-pansin naman ang pagbuhos ng mga alay na bulaklak sa musuleo ni FPJ na mula pa sa mga kaibigan, fans, mga dating katrabaho at kapamilya.

Ang paggunita ng kamatayan ni FPJ ay may temang “Ituloy ang Bagong Umaga sa ating Bagong Pag-asa”.

Matapos ang misa at maiksing programa sa manila North Cemetery ay didiretso ang lahat sa Plaza Ferguzon sa harap ng US Embassy sa Roxas Boulevard para sa unveiling ng monumento ni Da King.

Ayon sa pamilya ni FPJ, ang monumento nito ang magpapaalala na si Da King ay isang anak ng Maynila, kampeon ng masa at tunay na pangulo sa puso ng nakararaming Pilipino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply