Ilang bahagi ng bansa magiging maulap

PAGASA-DOST

MAKARARANAS ng maulap na papawirin at mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Ilocos; Cordillera; Cagayan Valley; Bicol Regions at mga lalawigan ng Aurora at Quezon.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay bunsod ng northeast monsoon o Amihan na nakaaapekto sa hilaga at gitnang Luzon.

Bahagya ring makararanas ng maulap na papawirin at biglaang pag-ulan ang nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila.

Wala namang namataang panibagong sama ng panahon na nagbabanta sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Una nang sinabi ng PAGASA na posibleng ang bagyong Quinta na ang Ika-17 at huling weather disturbance sa bansa ngayong taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply