Ilang foreign groups pinipilit ang Malacañang na ipasa ang RH Bill – Sotto

sen-tito-sotto

ISASALANG ngayong umaga sa Bicameral Conference Committee ang kontrobersyal na Reproductive Health Bill na naudlot nang kuwestiyunin ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III.

Maalala na unang itinakda kahapon ng hapon ang Bicameral Conference Committee Meeting subalit naudlot ito matapos kuwestyonin ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III ang pagmamadali ni Sen. Pia Cayetano, ang principal sponsor ng panukala, na maghalal ng magiging miyembro ng senate contingent.

Maging si Senate President Juan Ponce Enrile ay sinuportahan din ang posisyon ni Sotto, sa pagsasabing dapat umanong sundin ng mga senador ang kanilang rules.

Ayon kay Sotto, isa sa napiling miyembro ng panel ng Senado, malaki ang hinala niya na tatapusin ngayong umaga ang bicam report upang maratipikahan ni Pangulong Noynoy Aquino mamayang hapon.

Ayon kay Sotto, ang kanyang hinala ay kasunod ng pagkakadiskubre na ilang foreign groups ang pumipilit sa Malacañang na maisabatas ang RH bill bago magpasko.

Kaya naman haharangin umano ni Sotto, ito lalo na’t hindi pa malinis ang senate version ng RH bill.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply