Ilang lalawigan sa VisMin nasa Signal No. 2 na dala ng Bagyong Quinta

NAKATAAS na ang Signal No. 2 sa Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Province, Siargao Island, habang lumalakas ang Bagyong Quinta na patuloy na kumikilos sa Eastern Visayas sa bilis na 19 kph pa-kanluran ng bansa.

Huli itong namataan sa layong 260 km silangan ng Guiuan, Eastern Samar taglay ang lakas ng hangin na 65 kph malapit sa gitna at may pagbugso na aabot sa 80 kph.

Signal No. 1 naman sa Northern Samar, Western Samar, Eastern Samar, Biliran, Bohol, Cebu, Camotes Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan Provinces, Misamis Oriental at Camiguin.

Ayon kay PAGASA Weather Forecaster Vic Manalo, pinapayuhan na huwag munang maglayag ang sasakyang pandagat sa nasabing mga lugar.

Samantala, umabot naman sa 249 ang kabuuang bilang ng mga nastranded na mga pasahero sa Lilioan Port sa Leyte kung saan umabot din sa 12 ang stranded ng mga rolling cargo at mga pasahero sa passenger vessel.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply