27 sugatan sa salpukan ng 2 bus sa Edsa-Quezon Ave

(UPDATE) Sugatan ang 27 katao sa makaraang magsalpukan ang dalawang bus sa southbound lane ng Edsa-Quezon Avenue flyover.

Sa report sa radyo, nagbababa ng pasahero ang Pascual Liner bus bago umakyat sa flyover nang mabangga sa likod ng Cher Transport bus.

Nilapatan muna ng paunang lunas ang mga sugatan bago isinugod sa East Avenue Medical Center.

Samantala, pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang operator ng dalawang bus.

Sinabi ni LRFRB Chairman Jaime Jacob, na kanilang hinihintay ang opisyal na ulat ng Quezon City Police District Traffic.

Sususpendihin naman ang prangkisa ng dalawang bus sa loob ng 30 araw habang gumugulong ang imbestigasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply