Iligal na Christmas lights mabili sa Divisoria

MABILING-MABILI ngayon sa Divisoria ang mga Christmas lights na itinuturing na iligal sa Europa. Ito ang ibinunyag ng toxic watchdog na EcoWaste Coalition matapos na makabili ng mga naturang Christmas light na nagtataglay ng nakalalasong lead at cadmium.

Ayon sa EcoWaste Coalition, ipinagbabawal sa Europe ang mga naturang Christmas light dahil nagtataglay ang mga ito ng lead at cadmium na lampas sa lawful limits doon o hindi sumusunod sa Restriction of Hazardous Substances (RoHS).

Ayon kay Anthony Dizon, coordinator ng EcoWaste Coalition, dahil walang RoHS compliance policy sa Pilipinas ay madali sa mga electrical at electronic products na may undue concentrations ng mga mapanganib na substances na ibagsak sa domestic market.

Nabatid na limang sample ng Christmas lights ang binili at sinuri ng grupo noong Nobyembre 22 mula sa retail outlets sa Divisoria at lumitaw na tatlo sa mga ito ay positibo sa lead habang ang dalawa naman ay mayroong cadmium.

Ang lead ay na-detect umano ng grupo sa outside insulation ng electrical wires ng naturang Christmas lights.

“The restricted materials are hazardous to the environment and pollute landfills, and are dangerous in terms of occupational exposure during manufacturing and recycling,” babala pa ng grupo.

Nangangamba ang grupo na mapahamak ang consumers sa pagbili ng mga naturang Christmas light dahil wala naman umanong impormasyon ang mga ito sa kanilang label hinggil sa chemical ingredients nito.

Anila, maaaring maalis ang toxic substances ng mga ito at makain ng isang tao, partikular ng mga bata.

“Small children may play with the wires and put the wires, hands and other objects in their mouths, unknowingly ingesting the lead,” ani Dizon.

Sa kabilang dako, nagbabala rin ang grupo laban sa pagsunog ng mga itatapong Christmas lights dahil ang copper wire nito ay naglalabas ng nakalalasong usok.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply