Illegal importer ng mga sasakyan, hinatulang guilty ng tax court

NAKAPUNTOS ang Department of Justice (DOJ) matapos hatulang guilty ng Court of Tax Appeals (CTA) ang isang importer mula sa Cebu dahil sa iligal na pagpupuslit ng mga sasakyan noong 2008.

Si Roel Sayson, may-ari ng Trex Eve Auto Sales and Services na nakabase sa Mandaue City, ay napatunayang guilty sa paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines ng third division ng CTA dahil sa iligal na pag-import ng 15
units ng KIA Sportage at Hyundai Galloper.

Idineklara umano ni Sayson na mga parte ng trak ang mga nasabing sasakyan na nagkakahalaga ng P1.8 million.

Sa desisyong isinulat ni CTA Associate Justice Lovell Bautista, si Sayson ay nahatulan ng pagkabilanggo ng 8 taon at 12 araw.

Ikinatuwa naman ni Justice Sec. Leila de Lima ang naging desisyon ng korte na maituturing aniyang isang magandang senyales sa kampanya ng pamahalaan laban sa smuggling.

Ito na, aniya, ang pinakamalaking smuggling conviction ng gobyerno.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply