Inayos ng ECC ang desisyon ng SSS Baguio branch

Saturnino Bisenio, 61-anyos na dating minero sa dalawang magkaibang kompanya ng pagmimina sa Baguio City ang nabigyan ng Employee’s Compensation ng benepisyo para sa pagkawala ng kanyang pandinig at bilang karagdagan din sa pagbabalik ng kanyang mga nagastos ito ang napagpasyahan ng Employees’ Compensation Commission (ECC).

Ang pagkakaroon ng benepisyo mula sa ECC ay dahil sa pagkakaayos sa desis-yon ng Social Security System Baguio City Branch na nagsasabing walang katibayan na ang pagkawala ng pandinig ng naturang kawani ay bunsod ng kanyang pagtatrabaho at dahilan ng di magandang kalagayan sa pinagtatrabahuhang lugar sa minahan.

Sa pagkakaayos at pag-iiba ng desisyon pinatotohanan ng ECC na sa pagdetermina na kung ang sakit o pinsala ay kailangang bayaran nararapat lamang na magkaroon ng makatuwirang simpleng pagtatama sa pagitan ng trabaho ng kawani at sa kanyang kondisyon sa pagtatrabaho.

Sa kaso ni Biserio siya ay nakakuha nang nasabing pinsala dahil sa pagkabilad sa ingay ng mga makina at pagpapasabog ng mga dinamita sa lugar ng minahan.

oOo

TUKLASIN ANG BENEPISYONG HATID NG YOGHURT

May healthy alternative snack food na maaari ninyong piliin. Ang yoghurt ay siksik sa bitamina’t mineral
na makatutulong sa inyong kalusugan.

Ang yoghurt ay semi-solid fermented milk product na mayaman sa calcium. Mataas din ang protina nito at nagtataglay ng good bacteria o probiotics. Ang probiotics ay nakatutulong palakasin ang inyong immune system laban sa sakit o impeksiyon.

Mainam ang pagkain ng yoghurt, lalo na ng mga taong lactose-intolerant o nakararanas ng pananakit ng tiyan kung umiinom ng gatas dahil mababa ang level nito ng lactose.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply