Indian national kulong sa pananakit sa misis, kabit sabit sa panlalait

behind-bars

MAGKASAMANG dinala sa presinto ang Indian national at kalaguyo nito matapos nitong saktan ang asawa at pagmumurahin naman ng kalaguyo ang anak na dalaga ng mag-asawa sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw, Disyembre 14.

Nakilala ang mga suspek na sina Amrik Singh, ,at Josephine Aspe, 43, magkapitbahay sa Annville, Maysan ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Judy Kaur, 42, dakong alas-4 ng madaling araw, umuwi sa kanilang bahay ang suspek at inaway siya dahil gustong na ginang na lumipat ng ibang bahay at magsama ng isa sa kanilang driver upang may maghatid sa eskuwelahan sa kanilang mga anak.

Hindi pumayag ang mister hanggang sa saktan ang asawa habang humingi naman ng tulong ang kanilang anak na dalaga na si Harpeet Kaur kay Aspe na malapit lang sa kanilang bahay.

Sa halip na tulungan ay pinagmumura pa umano ni Aspe ang dalaga na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga barangay tanod.

Nang respondehan ay saka pa lamang naawat ang pananakit ni mister sa asawa na naging dahilang upang dalhin sa presinto ang mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply