Infomercials ng mga kakandidato ipinatitigil

HINILING  ng isang kandidato sa pagka-senador sa Korte Suprema  na pagbawalan ang limang kongresista  sa pag-eere ng kanilang commercials na regular na ipinalalabas sa mga telebisyon.

Partikular na tinukoy ni Senatorial candidate Atty. Samson Alcantara  ang  limang respondent at kasalukuyang public officials at senatorial candidates para sa 2013 midterm elections na sina JV Ejercito, Juan Ponce Enrile, Jr, Senator Alan Peter Cayetano at Puerto Pincesa Mayor Edward Hagedorn  .

Sa anim na pahinang petisyon, ang pagpayag ng respondents sa pag–eere ng kanilang television commercials ay malinaw na paglabag sa RA no. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Layon ng commerciasl na i-promote ang mga ito para sa kanilang kandidatura.

Giit ng petisyoner, lumampas na ang limang respondents hinggil sa labis na paggastos sa dahilang malaking halaga rin ng salapi ang ibinabayad para sa commercials.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply