Inmate nasabik sa pamilya, nagpatiwakal

crime6

PANANABIK sa pamilya ang hinihinalang motibo dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng isang bilanggo sa Bacolod City kahapon ng umaga.

Ayon kay Bacolod City District Jail .J/insp. Gilbert Peremni Jr., ang 31-anyos na inmate ay nadatnan na lamang ng kapwa nito bilanggo sa loob ng banyo at may sugat sa tiyan matapos saksakin ang sarili ang isang lata bandang alas 8:00 kahapon ng umaga.

Base sa imbestigasyon, napupuna ng kanyang kasamahang bilanggo na labis na nalulungkot ang hindi pinangalanang bilanggo at nangungulila sa kanyang pamilya dahil hindi na ito dinadalaw pa sa bilangguan.

Kaagad na dinala sa ospital ang inmate bunga ng malalim na sugat sa tiyan at ligtas na ngayon sa peligro.

Kaugnay nito, nananawagan ang jail officer sa pamilya at kamag-anak ng mga bilanggo na dalawin naman ang kanilang kamag-anak sa loob lalo na ngayong Kapaskuhan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply