Insidente ng karahasan sa NBP, pananabotahe – De Lima

leila de lima

ANG pinakahuling insidente ng pagkakatakas ng lider ng Ozamis robbery gang ang posibleng isa sa motibo ng pananabotahe sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) mula pa nitong nakaraang Agosto.

Ayon kay Justice Seretary Leila de Lima, ang pananabotahe ay sinimulan nang umano’y pagkakadukot kay murder suspek na si Rolito Go sa maximum compound ng NBP, sa Muntinlupa.

Ang insidente ng pananabotahe ay sinundan ng pagpapasabog ng isang granada na ikinasugat ng ilang inmate.

Ayon kay De Lima, maaga pa para sabihing isang sabotahe ang ugat ng mga sunod-sunod na insidente dahil nakatuon pa ang kanilang imbestigasyon para matigil na ang pagkakaroon ng iligal nakontrabando, tulad ng droga, armas, at prostitusyon sa NBP.

Sinibak na ni De Lima ang dalawang prison guard matapos mapatunayang responsable sa pagkakatakas ang convicted leader ng Ozamis robbery gang noong Sabado.

Iminungkahi rin ni De Lima na sampahan ng kasong administratibo at kriminal sina Prison Guard  1 Ernesto Aquino at Niño Aquino na nagbabantay sa West Gate ng Reception and Diagnostic Center (RDC) nang makatakas ang  inmate na si Ricky Cadevero, alias Kambal, na sinasabing tinangay ng tatlong armadong lalaki na nagpanggap na abogado.

Matatandaan na nitong nakaraang buwan ang mga opisyal ng NBP at Bureau of Corrections ay sinibak makaraan ang pagpapasabog ng granada at madiskubre ang pagpasok ng kontrabando sa maximum security compound (MSC).

Itinalaga bilang Officer-in-Charge si NBI deputy director Rafael Ragos sa BuCor, samantala si Iwahig Prison and Penal Farm superintendent Guillermo Ayala ang naupo bilang OIC ng NBP.

“I want everyone there replaced or sacked. But of course, we have laws or rules on security of tenure and due process to contend with. But I’m working on it already – plans to replace or augment existing personnel with more competent, dedicated and professional ones.” ayon kay De Lima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply