Isa pang opisyal ng Aman Futures lumutang

DOJ

LUMUTANG sa Department of Justice (DOJ) ang isa pang opisyal ng Aman Futures Group Philippines Inc.

Si Fernando Luna ay nahaharap din sa kasong estafa dahil sa umano’y pagkakasangkot sa P12-billion pyramiding scam.

Sa paglutang ni Luna, sinabi ng kanyang kampo na isa rin siyang biktima ng scam kaya naman nanawagan ito sa founder na si Manuel Antonio na tulungan siya sa kanyang paglutang.

Nauna nang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang limang board of directors ng Aman Futures na sina Leila Lim Gan, Eduard Lim, Wilanie Fuentes, Nazelle Rodriguez at Lurix Lopez.

Ito ay bunsod ng mga reklamong isinampa ng may 15,000 investors mula sa Visayas at Mindanao na anila’y naloko sila sa scam.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply