Isyung inalis siya sa voters’ list sa CamSur tinawanan lang ni Aga

aga-muhlach

NATAWA lamang ang aktor na si Aga Muhlach nang matanggap ang balitang aalisin na siya sa listahan ng mga ligal na botante ng San Jose, Camarines Sur.

Sa panayam sa abogado ni Muhlach na si Atty. Romulo Macalintal, sinabi nitong natawa na lamang ang kanyang kliyente at ang asawa nitong  si Charlene Gonzales nang lumabas ang desisyon ni RTC Judge Noel Paulite dahil sa hindi nakumpleto ng mag-asawa ang six months residency requirement.

Ayon pa kay Macalintal, naimpluwensyahan ng pulitika ang desisyon ng korte dahil ginaya lamang ito sa unang desisyon ng Municipal Trial Court ng nasabing bayan.

Nilinaw naman ng abogado na hindi pa inaalis ng Commission on Elections (Comelec) sa voter’s list ang mag-asawa at iaapela pa nila ito sa Court of Appeals (CA).

Ang aktor ay tatakbo bilang kongresista ng 4th district ng lalawigan.

Sa ngayon, hinihintay na lamang nila ang kopya ng desisyon ng korte upang maisumite na rin ang kanilang apela.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply