Isyung sisibakin si De Lima itinanggi

leila de lima

PINABULAANAN ni Justice Secretary Leila de Lima ang mga balita na inialok sa kaniya ang posisyon para sa pagiging Ambassador to the United States.

Ayon kay De Lima, ilang beses na silang nagkakausap ni Pangulong Noynoy Aquino subalit wala naman itong nababanggit sa kaniya patungkol sa nasabing posisyon.

Sinabi pa ng kalihim na kung sakali ay hindi rin naman siya interesado sa nasabing pwesto.

Naniniwala si de Lima ang ambassador position ay para sa mga opisyal na magre-retiro na.

Una ng lumutang ang mga balita na papalitan umano ni de Lima si Jose Cuisia Jr. bilang ambassador ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Habang si Executive Secretary Pacquito Ochoa Jr. naman umano ang papalit kay de Lima sa Department of Justice.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply